Pumili ng paksa sa ibaba

Kung hindi pumapasok ang bayad mo, at sigurado kang nailagay mo ng tama lahat ng iyong detalye, maaaring ang tagapagbigay ng iyong card ay hinarang ang mga transaksyon sa internet o may problema sa iyong card. Maaari mong subukan ang alternatibong pamamaraan sa pagbabayad tulad ng Paypal, o ibang credit o debit card. Pakipatunayan kung ang iyong pagbili ay pumasok sa pagtingin sa iyong inbox, o sa pag-login sa Aking Account. Kung hindi mo makita ang order mo, ibig sabihin hindi pumasok ang binili mo o naantala ang iyong bayad. Sa kabilang banda, kung pumasok ang iyong bayad pero hindi mo mahanap ang iyong binili, mangyaring makipag-ugnayan sa Serbisyo sa Kustomer para sa tulong.

Kapag hindi ka nakakita ng kumpirmasyon sa iyong inbox, tingnan muna ang iyong spam o junk folder. Kapag ang email mo ay napunta doon, pwede mong idagdag ang orders@flashfomo.com sa iyong address book o listahan ng ligtas na nagpapadala. Kung hindi mo pa rin nakikita ang email doon, pwede mo ring tingnan ang estado ng iyong order direkta sa iyong account sa pagpunta sa Aking Account. Kung hindi ka pa rin nakakakita ng email sa iyong inbox, subukan mong mag-login sa Aking Account at siguraduhing tama ang iyong email. Kapag sinasabi ng iyong order na "Pinoproseso", makakatulong na maghintay ng kalahating oras at tingnan muli. Minsan ang order ay naaantala dahil sa mabigat na trapiko sa site.

Ang ilang ibinebenta sa FlashFomo ay limitado lamang ang mabibili. Kapag naubos na ang stock, sa kasamaang palad ay wala na ito. Inirerekomenda namin na mag-sign up ka sa aming Alerto sa Pagbebenta para hindi ka mahuli sa mga ibebenta sa hinaharap. Paminsan-minsan, ang mga ibinebenta ay muling ilalabas. Lahat ng ibinebenta sa FlashFomo ay mabibili lamang sa limitadong oras – kadalas ay 24 oras. Huwag kakaligtaan!

Hindi, bagaman inirerekomenda na gumawa ka ng account para bumili. Gamit ito makakakolekta kami ng impormasyon para matulungang mapabuti ang iyong karanasan online sa FlashFomo, at upang makapagpadala sa iyo ng mga promosyon at diskwento. Kung hindi mo na gustong makatanggap pa ng materyales sa marketing, maaari mong piliing huwag mag-subscribe sa aming listahan ng mail.

Ang mga produkto ay mabibili lamang sa limitadong oras (kadalasan ay hanggang 7 araw). Ang taga-hikayat ay magbebenta sa pag-aabiso sa kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng nilalaman sa kanilang mga social channel. Ang mga mamimili ay dadalhin sa pahina ng brand ng taga-hikayat na sinusuportahan ng FlashFomo upang pamahalaan ang pagbabayad at pagsasaayos ng bibilhin.

Kung posibleng may mapagkukunan ng nagagamit muling materyales ang FlashFomo. Ito ay posibleng sa produkto mismo o sa pambalot nito. Ang FlashFomo ay ginagawa lahat ng produkto na inorder, na nakakabawas sa masasayang na mga materyales.

Idedetalye ng FlashFomo ang mga materyales na ginamit ng tindahan ng taga-hikayat. Bilang karagdagan dito kapag pinamahalaan ng influencer ang mga produkto ay sasailalim sa akreditasyon ng ISO upang masiguradong natutugunan ang pamantayan ng ISO.

Mahalagang ipaalam sa amin agad kung may problema sa natanggap mo. Kung maaari, kunan mo ng larawan, ipaliwanag ang problema, ibigay ang numero ng iyong order at Makipag-ugnayan sa Amin dito. Kailangan itong gawin sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng pagbili. Sasagot kami agad at ipapaalam sa iyo kung ano ang susunod na gagawin. Para sa mga binili mo na lumampas na ng 30 araw mula sa araw ng pagbili at naniniwala kang may problema ito, susuriin namin ito base sa kaso.

Tatanggap kami ng card na regalo at kupon kapag pinili lamang ng taga-hikayat.

Lahat ng produkto ay ginagawa pagkabili, limitadong edisyong produkto. Kapag tapos na ang pagbebenta lahat ng binili ay gagawin at ipapadala. Ang inaasahang oras ng paghahatid ay wala pang 30 araw. Aabisuhan ka kung ang paghahatid ng produkto ay naantala sa anumang kadahilanan ng FlashFomo o ipapaalam ng taga-hikayat.

Oo. Mangyaring tingnan ang Tuntunin at Kondisyon at Patakaran sa Pagbabalik para sa karagdagang detalye sa aming mga patakaran.

Lahat ng ibinalik na produkto ay iyong responsibilidad hanggang sa makarating ito sa amin. Sa kasamaang palad, wala kamang pananagutan sa nasirang produkto habang ihinahatid. Ang produkto ay dapat dumating sa orihinal na kondisyon nito nang binili. Inirerekomenda namin na ilagay mo ang produkto sa ligtas/may pad na lagayan.

Ang pagbili ng iyong binayad ay ipoproseso kapag natanggap na ang produkto sa aming warehouse. Mangyaring maghintay ng 7-10 araw ng negosyo para maibalik ang produkto sa amin gamit ang standard post at mapoproseso ang pagbabalik ng iyong ibinayad. Makakatanggap ka ng email mula sa aming departamento ng serbisyo sa kustomer na nag-aabisong ang pagbalik ng iyong binayad ay pinoproseso na. Ang oras ng pagpapadala para sa pagbalik ng produkto ay dumedepende sa standard post, kaya mangyaring maghintay ng hanggang 7 araw para matanggap namin ang produkto bago makipag-unayan sa amin. Makakabuting irekord ang tracking number ng iyong ipinadala para masubaybayan namin ito.

Hindi. Lahat ng produkto ay limitadong edisyon at mabibili lamang sa mabilis na pagbenta - hindi sila maaaring palitan ng ibang produkto sa ibang site.

Para sa lahat ng teknikal na suporta mangyaring mag-email sa support@flashfomo.com para sa mga detalye ng iyong kahilingan at mag-iwan email kung saan kami sasagot.

Hindi, ang FlashFomo at ang kapareha sa paggawa ng produkto ang responsible dito. Mangyaring tingnan ang aming Tuntunin at Kondisyon at Patakaran sa pagbabalik para sa mga detalye sa aming patakaran.

Oo, gagawin ng FlashFomo ang iyong e-commerce na pahina, bibigyan ka ng gateway sa pagbabayad, hahawakan ang pera, pagbabalik, disenyo, pag-aasikaso ng mga nasabing produkto sa iyong mga tagahanga.

Kapag napunan mo na ang pag-sign up ngayon, susuriin ng FlashFomo ang iyong channel at papayuhan ka kung tingin namin ay angkop ka sa pagbebenta ng mga personal na produkto sa pamamagitan ng mabilis na pagbebenta sa pakikipagtulungan sa amin. Ang prosesong ito ay maaaring abutin ng 3-4 na araw.

Ang ilang produkto ay maaari lamang mabili sa ilang bansa. Kung hindi mo mahanap ang bansa mo sa dropdown at checkout, sa kasamaang palad ang produkto ay hindi maipapadala sa iyo. Kung nakikita mo ang bansa mo, subukang maglagay ng ibang lugar na papadalhan sa pahina ng pag-checkout. Kung hindi kinikilala ng aming sistema ang lugar na sinusubukan mong gamitin (hal. lugar na iyong pinagtatrabahuhan, lugar ng kaibigan). Kung patuloy kang nakakaranas ng mga isyu, mangyaring makipag-ugnayan sa aming Suporta sa Kustomer para sa tulong sa iyong pagbili.

Para sa lahat ng teknikal na suporta mangyaring mag-email sa support@flashfomo.com na may mga detalye sa iyong kahilingan. Ito magbubukas ng tiket kung saan tutugon agad ang aming pangkat sa teknikal.

nagkakaroon pa rin ng problema?

Makipag-ugnayan sa amin